ako si matil duh!!!

taga bantay Matil-duh araw ng Friday, April 04, 2008

Friday, April 4, 2008

hello readers.. (meron ba..? teka ..one.. two.. dami naman).. pasenya na kayo kung ngayon lang ako nakabalik..kung hindi pa kay fake na matilda , wala sana ako ngayon dito.kaya maraming salamat sa kanya....
first of all: may aral din tayong napulot.... kung minsan ang pag gawa ng masama ay nakakabuti sa kapwa..

first of all (uli).. let me introduce myself sa mga readers kong pag KAdami dami..!!!!(pangarap lang yon.. libre naman diba?)
ako si matil duh!!!.. walang edad.. walang asawa , walang kaibigan at walang rin akong pakielam... sosyal ang mga magulang ko..bakit ko nasabi? . secretttt!!
as par as i rimembir, inglis speeking kami noon...op kors, sosyal ang mga magulang ko..dalawa kaming mag kapatid at pareho kaming nakatapos sa kolihiyo, enjineer si brother at bellas artes naman ako... dapat lang!! sosyal ang mga magulang ko eh! makulay ,masaya ang naging takbo ng buhay ko, although may mga drama sa likod ng itim na tabing...marami akong kaibigan at mahal na mahal nila ako noon, syempre naman !! sosyal ang mga magulang ko ano? while i was gruwing up, i admire my parents so much, sputing silang manamit.. si mamaguz parang si jackie O at si papaguz naman ay parang si donald trump.. with matching attache case at bic ballpen.. wow!! sosyal talaga ang mga magulang ko,since alam ko na sosyal ang mga magulang ko, i always visualize a berry bery big bldg, na maraming tao ang opiz nila at ang mama guz at papaguz ay walang ginawa kundi mag mando sa mga empleyado..proud na proud si matilduh!!! (w/ matching attitude pa.. che!!!)
eto na po,our class decided to have our yearly field trip at ang company ni mama at papaguz ang napili na bisitahin.. of course w/ matching attitude, yez naman si matilduh...natuwa ang mga magulang kong sosyal dahil marami daw kaming matututuhan at magagwa doon...si mamaguz ang aming personal na tour guide..... again proud na proud si matilda....dumating ang araw, lahat excited ,ang mga soscial climber kong kaklase panay ang sipsip at ang babait nila sa akin (nasa JD bus kami rent ng skul) si matil duh! naman feeling star, para akong nanalo sa award nite sa attention na binibigay ng mga klasmate....tulad ng nasa isip ko, malaking bldg, maraming tao red carpet ang dating... talagang malaki ang bldg at maraming tao.walang karpet at putikan ang papasok ng bldg.. malaki pero luma, mainit a9 may kanya kanya electric fan) sinalubong kami ni sister consuelo na tunay namang pawisan , dinala kami sa kabilang bldg (lumang simbahan) ..ayun at mag hapon kaming nag entertaing ng maraming tao pagod na pagod ang matil duh!! ng tanungin ko si sister consuelo about mamaguz, busy daw kaya sya nalang ang nag tour sa amin....after few hour... aye!!!anak ng tinokla, nalaman ko na si MAMAGUZ pala ay isang dakilang "SOSYAL WORKER" at ang "PAPAGUZ" naman works for the 'SOSYAL SECURITY DIVISION".. aye! yahyah!!!! tunay palang sosyal ang mga magulang ko.... sa title nalang wala ng tatalo pa..hahahaha.. syempre,
at the end of the day, wala akong kasabay umuwi kundi ang mga sosyal kong magulang.., nakabitin si papaguz sa jeep habang si matilduh ay nakakandong kay mamaguz..(30 cents ang pamasahe)malakas pa ang ulan at wala kaming payong...basang sisiw ang sosyal na magulang ko.... nawala ang aking mga frens at nawala din ang aking ning ning..dahil sosyal ang magulang ko madalin akong naka rating sa america after koledge and op corse, iba na namang storia ang nabuo sa buong buhay ko dito sa america..nakakaloka at masaya po ang storia ng buhay ko,marami pang kasunod yan... i hope you enjoy it kahit na walang katuturan
para po ito sa mga walang magawa na tulad ko... maraming salamat at magadang umaga ..

matil duh!!!! (legal wife.. size 6)